Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Pluma Mar 2015
Kaya Mo Ba Akong Panagutan?



Nilason mo ako ng iyong mapanlinlang na balat-kayo.
Pinaniwala sa mga mapanuksong katagang pagbabago.
Hinayaan ko ang labi **** puno ng kasinungalingan,
Na dungisan ang aking minamahal na bayan.


Naging biktima ako sa kulungan **** puno ng promiso,
Isang harding pinamamahayan ng mga bulaklak galing sa impyerno.
Ako’y bingi’t takip-mata sa reyalidad ng iyong tunay na pagkatao.
Mistulang manikang salat sa kasarinlan; kumukubli, nagtatago.


Ginawa mo akong biktima ng iyong kasakiman!
Mga anak ko’y ginamit mo para sa iyong makasariling kaligayahan.

Isa kang malaking hipokrito sa sarili **** lipunan!
Labis na Kinasusuklaman, Higit na Kinamumuhian.
What if our country (Inang Bayan) could actually talk?
Lovely Seravanes Oct 2019
ikaw at ako

pagsamahin mo
at ito'y makakabuo ng isang salitang tayo
oo tayo na inakala ko  hanggang dulo
pero salamat,dahil sa puno palang
Ginising mo ako sa katotohanan
na ang dulong pinangarap ko'y
mag isang lang pala ako
dahil ang isang tayo ay meron palang kayo
oo kayo at hindi na tayo
salamat nakalaya ako sa isang tayo
na kailanma'y hindi nmn pla totoo
oo hindi totoo,dahil ito'y puno ng panloloko

puno, oo aun hitik na hitik ang mga bunga
bunga na mga salitang iyong sinambit
sumanga,yumabong na sa kalaunay nalanta

oo nalanta
pero hindi ko na pinangarap na isalba pa
dahil alam kong ikaw mismo ang lumason

sa masanga at mayabong na puno ng tayo
dahil mas gusto mo palaguin ang puno na meron kau..

pero salamat
dahil ang punong nilason mo
ay binigyan aq ng binhi
oo binhi,binhi ng pag-asa
panibagong buhay
panibagong ako na walang nang tayo
na ilalaan ko, para sa isang taong
kayang payabungin
ang binhi ng pag-ibig namin hanggang dulo..
louise Apr 2022
Alam ko,ikaw sa kaniya ay unos, sinimulan ng mga munting patak na nagsalba mula sa pagkauhaw ng puso,niluklok ang kaluluwa sa sukdulan, panandalian **** nilunod ang mga pighati’t galit sa dibdib ay umaapaw. Ngunit ako,ako ang katapusang gugunaw ng mundo–mundong puro pait ang pinadadampi sa pusong nagpapakatatag anumang paggiba sa bintana’t pinto nito ang gawin ni realidad . Ako ang susunog sa bawat ala-alang nilason : mga litrato’t tula na iyong kuha’t akda. Ako ang tatapos at ito ang aking simula.
Daling sabihin ang salitang "depress ako"
Ngunit ang totoo ay hindi biro ito
Uulitin ko ito'y hindi biro talaga
'Pag malungkot mag-isa, ating damayan sila

Para bang puso'y naiiyak at utak ay nabibiyak
Sa kalungkutang nadarama ay hindi tiyak
Kung makakayanan at matatakasan ba
Pagkat nilason nang Kalungkutan Ang isipan na

'Nung nakaranas ako ng depression
Parang gusto ko nang tapusin iyong aking misyon
Dahil ako'y hinang-hina at ako'y walang wala
Puro lungkot walang saya ang aking nadarama

Dito sa mundong ibabaw, Bakit ba ganon?
Iba ang sumasagi sa isip, naiisip kong solusyon
Ang mawala nalang ngunit may pumipigil
Sa'king isipan na 'wag **** gawin at iyong itigil

Makakayanan mo kung kalooban ay titibayan mo
Matatakasan mo kung ito'y lalabanan mo
Dahil 'di lang ako at Ikaw ang nakakaranas ng depress
Pero nandyan ang panginoon para muli tayong i-bless

Mula sa kwartong madilim na puno ng Kalungkutan
Patungo sa lugar na may pag-asa at kaligayahan
Upang matakasan na ang kalungkutan nabuo
At 'di na muli pang sa isip ay mabubuo

— The End —