Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karl Gerald Saul Sep 2013
Minsan sa buhay natin,
kahit alam natin na tag-araw,
may iilang ambon o ulan na sa buhay nati'y dadalaw.

Sa pagdating at sa pagbuhos ng ulan,
May ilan naghahanap na punong masisilungan,
ngunit di katagalan - sila'y mababasa't tuluyang mauulanan,
pagkat di kaya ng mga sanga't dahon na saluin ang buhos ng ulan.

May mga nakahandang armas na payong naman ang iba,
ngunit mababasa naman ang kanilang mga binti't paa,
na kung minsan sinasabayan ng malakas na hangin,
na ang mga payong nila'y kayang liparin o sirain.

Ang iba nama'y sa pagbuhos ng ulan - nagagalak,
may parang lasenggerong tumitingala, sinasalo, sumashot na parang alak,
may mga batang masayang naglalaro habang naliligo,
na kung minsan nagtatampisaw sa mga inaipong ulan sa estero.

Kung ako ang 'yong tatanungin, ang ulan nakatalaga sa bawat tao,
Na kahit anong iwas mo - darating at darating ito sayo.
ang mga patak nito'y sadyang maliliit -
kapag ito'y patuloy na bumuhos, kung minsan ito'y mabigat at masakit.

Kaya ang tanong ko sayo aking kapatid,
Saan ka dito sa aking mga nabanggit?
Na sa unang pagpatak ng ulan sa iyong bumbunan,
Ano ang iyong gagawin at naiisip na paraan?
Sarrah Vilar Sep 2016
Naaalala mo ba nung una niyang ipinakita sa'yo 'yung lugar mo sa buhay niya?
'Yung sandaling 'yon na itiniwarik niya daw ang mundo
Para hayaan na kayo lang ang nakatayo. Magkasama.
Nakita ko 'yung saya na suot ng 'yong mukha.
Nakita ko kung paano kumislap 'yung mga mata **** walang alam na daan
Kundi 'yung direksyon kung nasa'n siya.
Nakita ko kung paano mo winasak 'yung pader d'yan sa puso mo.
Nakita ko kung paano ka muling nagtiwala.

At nakita ko 'yung pagsikip ng lugar
Na sinabi niyang ikaw lang 'yung may-ari.
Nakita ko 'yung muli **** pagtatayo ng harang d'yan sa puso mo.
Nakita ko kung paano mo kinwestyon 'yung halaga mo.
Kahit na bago mo siya makilala ay sinabi mo sa sarili mo
Na hindi ka tahanan para sa mga taong naghahanap lang ng saglit na masisilungan.

Isang gabi,
Naramdaman ng hangin 'yung lungkot mo.
Agad siyang bumalot sa'yo.
Naglaglagan ang mga dahon
Kasabay ng pag-agos ng luha mo.
Ngunit wala ka pa ring kibo.

Pakiusap,
Patingin ulit ako ng dating ikawβ€”
Dating ikaw na isang bagong lenggwahe;
Hindi lang sinasaulo; dapat iniintindi.
Subukan mo ulit itapon sa dagat 'yung bagyong iniwan niya.
'Wag mo hayaang hampasin ka na naman ng alon ng mga alaala niyong dalawa.
Pakinggan mo ulit 'yung katahimikang nakalimutan mo na 'yung nota.
Iabot mo ulit sa mundo 'yung mga ngiti sa labi mo.
Iparinig mo ulit dito 'yung pagtibok ng puso **** hindi para sa kanya
Kundi para sayo.
At 'wag mo sanang isipin na kailangan mo ng taong bubuo sa mga pangakong winasak niya.
Hindi naman kasi sa bawat pagbitaw ay may taong nakaabang para sumalo.
Lumagapak ka.
At itayo mo 'yung sarili mo.
Kumawala ka na sa posas ng pangalan niya.
Hindi mo kailangang banggitin 'yung pangalang pinapabanggit niya na din sa iba.

Higit sa lahat, tandaan mo:
Nakapaglakad ka nang wala siya
Magagawa mo ring tumakbo nang hindi siya kasama.
(a spoken word piece)
Andrei Corre Sep 2017
.
Sumibol* sa akin ang 'yong tahanan
Ang hangin ko'y malinis, pinaramdam sa'yo ang kapayapaan
Pananabik ay labis sa iyong pagtuloy
Di inasahang mapapalitan ng panaghoy
Dahil ako'y tahanan mo lamang
Kapag sa ulan ay kailanganin mo ng *masisilungan...
LaraOcal Nov 2017
Sa di inaasahang pangyayari
Ang nagpabago sa bayan ng Marawi
Pagbabagong susukat ng katatagan
Makamit lang ang kapayapaan

Mahirap man umalis sa tirihan
Ngunit mahirap mawalan ng masisilungan
Hindi bagyo at hindi rin baha
Ang dahilan ng pagkasira

Hindi makubli ang takot at pangamba
Mga batang mulat sa ingay ng mga bala
Mga tanong sa sarili bakit, ito nangyari?
Nawa'y makapagsimula muli

Mga bayaning sundalo
Taas noong tatayo
Hindi matitinag ang lahing Pilipino
Handang mamatay para sa kapwa Pilipino

Taimtim na dalangin
Lahat ay kakayanin
Tungo sa pag-asa
Mamulat,magmulat at makiisa

Aking ilalarawan
Lugar ng puno ng kasiyahan
Pagbubuklod at pagtutulungan
Yan ang tunay na katapangan.
YAJ 5d
Sa mundong puno ng kulang, sapat, at sobra,
tayo raw ay mga dahon β€”
sumisibol, lumalago, nalalanta,
kumakalas, tinatangay, nawawala.

Ngunit sa ating pagkawala,
doon raw natin tunay natatagpuan ang sarili.
Sapagkat sa bawat pagkalagas β€”
ay simula ng panibagong pag-ugat.

At kung ako nga ay isang dahon,
ako ’yung uri ng dahon na...

β€” hindi basta bumibitaw, kahit taglagas,
β€” sumasayaw pa rin sa hangin, kahit lumakas.

Sinasalo ang patak ng ulan,
at sa araw, nakikipagtitigan.
Ako’y lilim rin sa liwanag ng buwan,
aninong masisilungan, kapag kailangan.

Ngunit marahang kumakawala,
kapag ang baha’y rumaragasa β€”
upang magpatangay sa agos,
habang nakalutang sa hangin.
Minsan lunod sa alon,
ngunit di salungat sa lalim.
Ako'y dahon na may sariling landas β€”
kahit malihis, o maligaw pa sa tatahakin.

Ikaw ba β€”
Anong klaseng dahon ka sa panahon mo?
β€˜Yung madaling kumawala,
o ’yung pilit na kumakapit?
β€˜Yung natatangay,
o ’yung naglalakbay?

Basta ako β€”
ako ang kapirasong dahong ligaw,
karugtong ng bawat hibla ng ugat,
tinatahi ang tagpi-tagping mga balat.

Sumisibol, lumalago, nalalanta,
kumakalas, tinatangay,
at nagtataka:

Na kung tayo'y mga dahon sa iisang puno β€”
maaari kayang malaman kung:
β€” Sino ang pasimuno?
β€” Sino ang nagtanim ng binhi?
β€” Ano ang bunga?
β€” Kailan at bakit dapat anihin?

Pero...

Kailangan ba talagang
hukayin pa ang lalim ng ugat β€”
o mas nararapat
na magpalago na lang muna sa sanga,
bago pa tuluyang matuyo ang mga tangkay?

Baka ang tunay na saysay β€”
hindi lang nasusukat sa bunga o pakay,
kundi nasa halaga rin ng ating paglalakbay
at pagkabuhay.


"π’·π“Šπ“π‘œπ“ƒπ‘” 𝓃𝑔 π’Ήπ’Άπ’½π‘œπ“ƒ,
𝓃𝑔 𝒹𝒢𝓂𝒹𝒢𝓂𝒾𝓃𝑔 β€”
𝒽𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓂𝒢𝓅𝒢-𝒢𝓂𝒾𝓃,
π“ˆπ’Άπ“…π’Άπ‘”π“€π’Άπ“‰ 𝓅𝒢𝓁𝒢𝑔𝒾𝓃𝑔
𝒽𝒾𝓃𝒾𝒽𝒾𝓅𝒢𝓃 𝓃𝑔 𝒽𝒢𝓃𝑔𝒾𝓃..."



At marahil,
ang tugon sa lahat ng tanong β€”
ay hindi sa paghahanap,
kundi sa pananahimik,
kasama ng agos,
ang ihip,
at malumanay na huni
ng mga ibon sa paligid.
𝙗π™ͺπ™‘π™€π™£π™œ 𝙣𝙖 π™™π™žπ™£π™žπ™œ β€”
π™ π™–π™žπ™‘π™–π™£π™œπ™–π™£ π™‘π™–π™£π™œ π™₯π™–π™ π™žπ™£π™œπ™œπ™–π™£ 𝙒π™ͺπ™‘π™ž~
YAJ 5d
Kung ikaw ay dahon
na dinadala ng hangin,
ako marahil β€”
ang ugat na nanatiling tahimik,
nakabaon sa lupa,
nakikinig sa bawat yapak
ng panahong lumilipas.

Ako ang himig
na hindi umaalingawngaw β€”
ngunit nananatili
sa kailalim-laliman ng alaala.

Habang ikaw ay sumasayaw
sa sayaw ng taglagas,
ako'y nananatiling
yakap ang lamig ng tag-ulan.

Tahimik kong pinipigilan
ang bawat pagbagsak mo β€”
nang hindi mo namamalayan.

Hindi ako tanong.
Isa akong sagot
na matagal nang naroon
bago pa maitanong β€”
kung sino ang nagtanim,
at ano ang bunga.

Sapagkat kung ang dahon ay dumarapo,
at muling nawawala β€”
ako naman ang di-makita,
pero palaging naroroon:

sa bawat pagsibol,
sa bawat pagkalagas,
at sa pagitan ng mga saglit
na walang makapagsalita.

Hindi ako lilim β€”
ako ang dilim na may silbi.
Hindi ako aninong masisilungan β€”
ako ang silong
ng mga alaalang hindi pa binibigkas.

At kung ikaw ay nagtataka
kung kailan dapat hukayin ang lalim β€”
ako ang lalim na iyon.
Hindi para mabungkal,
kundi para maramdamang
may pinanghahawakan ka pa rin.

Kaya bago ka tuluyang tangayin,
alalahanin mo:

ang bawat dahon β€”
kahit ligaw β€”
ay minsang nanggaling sa sanga,
na ikinabit ng pag-ibig
ng isang ugat
na tahimik lang,
pero totoo ang kapit.
π– π—„π—ˆ 𝖺𝗇𝗀 𝖽𝖺𝗁𝗂𝗅𝖺𝗇 𝖻𝖺𝗄𝗂𝗍 𝗆𝖺𝗒 π–»π—Žπ—…π—ˆπ—‡π—€ β€”
π– π—„π—ˆ 𝖺𝗇𝗀 𝗉𝗂𝗇𝖺𝗇𝗀𝗀𝖺𝗀𝖺𝗅𝗂𝗇𝗀𝖺𝗇 𝗇𝗀 𝗍𝗂𝗇𝗂𝗀.

— The End —