Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jun Lit Oct 2018
Nilisan kong hubad ang pinaglunuhan,
Enero, Pebrero, Marso ng kabataan
Lubi-lubi ang awit sa tiyang kumakalam
balatkayong pinasikip ng mga agam-agam
mga ala-alang pilit naglulungga, inipit na liham
sa yungib ng pipΓ­ng isipan.

Sa pagtalikΓ³d ko’y hiniwa
ng balaraw ng panghihinayang
ang banig na naidlip saglit
sa magdamag na paglalamay
banig na nilala ng mga dekada
mula sa mga hibla ng pagsusumikap.

Paalam,
kaibigang nabingi sa tawag ng luho
Walang alinlangang maririnig mo rin
ang tibok at bulong ng puso
Ninais ko sanang samahan mo ako
at ating anihin
ang mga uhay na mula
sa binhing ipinunla
sa mga alapaap.
Ninais kong lasapin
ang matamis na bunga,
pinahinog ng tiyaga
at patuloy na pag-asa.

Subalit
dagtang makapit,
luhang mapait,
kumikirot ang lupa
sa patak ng namuong dugo
ng bayaning nagbuwis
ng sariling pagsuyo.

Kikitlin ng Nobyembre
ang bawat naiwang himaymay
sa lamig ng yakap ng amihan
- akala’y dakila ang dayuhang niyebe.
Mamamaluktot muli sa maigsing kumot
hanggang sa magising
sa aguinaldo ng Disyembre
at pagpasok na naman ng Bagong Taon
walang kamatayang panahon
aasa na naman sa ****
na iba ang pangako at iba ang tugon
sa dalangin at maraming tanong

Ah sanga pala, Abril, Mayo, Hunyo noon.
Oktubre - Filipino word for October; for several years now, sometime within my birth month, I unconsciously start to reflect on events in my life and the places I call home.
solEmn oaSis Dec 2022
Kapag natuyo na ang ilog ,
Hintayin mo ang mga ulap ...
Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig
Tatahan ang hinagap sa paghagilap !
Patingala ka man na masdan ako
O kahit pa tanawin mo ako ng payuko

Magmumula lagi sa kaliwa
Aking simula patungo sa kabila ,
ikotin mo man ang iyong tingin pakanan
Manunumbalik ako tulad ng isang orasan
At sabik muli ako sa iyong masid sa lagusan,
at tanging gabay lang ay hangin na may bahagdan...

sa umagang may lamig kapagdaka ' y init
At kapag ang ibaba nga ay nag-aalumpihit
Ang kaitaasan ay napapasailalim
Wari ay kabiyak ng kabibing walang lihim
Bukas-palad mo akong minamalas at sinasalamin
Habang tikom-bibig kitang tinatalastas at pinaparinggan

Nang walang ibang ibig sabihin...
Hanggang pawang totoo lamang ating anihin !
Kaya naman paulit - ulit ko itong binabalikan
Dahil sa araw-araw mo akong Mahahagkan
Gamit nga ang Lente ng iyong minamahal na sining..
Kapit lamang sa tuwina ako sa iyong paglalambing !!!

Sapagkat ikaw nga ang magiliw kong siyentipiko
Na may hawak ng tubong pansuri ng aking laboratoryo !
Pasasaan ba 't mumunti **** daigdig ,
Tatahan ang hinagap sa paghagilap !
Kapag natuyo na ang ilog ,
Hintayin mo ang mga ulap !!!
a prequel from the poem entitled
Kapag natuyo na ang ilog ,
Hintayin mo ang mga ulap
Gigising nang maaga para sa palayan magtalok
Kailangan na magtrabaho kahit pa inaantok
Suot ang sombrelong dayami at jacket na manipis
Sa matinding init ng araw kailangan magtiis
Hila ang araro ng masipag na kalabaw
Kahit ang nag aarya pati sa tubig ay uhaw
Ang lupang matigas na kailangang matunaw
Dapat ikaw ay malakas, dapat matindi ang galaw
Tanging lugaw na bigas sa umaga ang almusal
Para maging maputik hindi sapat lang ang dasal
Kinakailangan ng lakas at tubig na galing taas
Susuyurin ng wagas para mas maputik ang antas
Yuyuko pa ng marami tapos bukas sakit ay lalabas
Maghihintay ng ilang buwan para mabuo ang bigas
Ganon kahirap ang dinanas bago bigas ay makain
Pasalamat sa taas dahil tayo'y may pagkain

Talok dito, talok doon
Sila sa palayan ay maghapon naroon
"Bilad sa araw ay katawan" oo tama ka doon
Para may makain ang pamilya at pangbaon
Sa trabaho at eskwela papasok tiyan walang laman
Pagbalik sa hapon isip mo tiyak iyan may laman
Para may anihin at kainin pagsapit ng kinabukasan
Sa pagtatanim ng palay walang punla sinasayang
Bawat punla ng palay sa putik ay binabaon
Bawat paa at mga kamay sa putik ay nakabaon
Bawat pawis ng katawan sa damit ay naroon
Bawat yuko ng katawan masakit iyon sa maghapon
Bawat init ng araw sa likod ay nakakasunog
Bawat patak ng ulan sa likod ay sunod sunod
Pero wala silang pakialam kung balat ay masunog
Basta ang mahalaga may makain bago matulog

Hindi biro ang buhay ng magsasaka,
'Di alam kung mayroon pa bang pag-asa?
Sa mga tinanim na palay sa lupa ng iba
Mula sa inaning palay mas kumikita ay sila
Maswerte na kung may sariling lupang sinasaka
Pero minsan malas pag dumadating mga sakuna
'Di mapakinabangan mga halaman hinintay ng mahabang panahon
Bilang sukli sa kasipagan mga bunga sa putik ay nakabaon
At ang nagpapahirap sa buhay ng magsasaka
Sariling gobyerno na kulang sa suporta
Mas tinatangkilik ang iba kaysa sariling saka
Dahil ba magandang klase ang bigas nila?
Mga dahilan kung bakit ganon, naiintindihan namin iyon
Ngunit walang tulong mula sa agrikultura, 'wag naman ganon
Oo masarap kainin ang bigas kahit walang lasa
Pero maging magsasakang pagod na walang kita, nakakawalang gana

Sana madama niyo ang aming mga hinaing
Sana sa ibang bansa'y ipagmalaki niyo rin
Hindi lang sila magsasaka, sila'y bahagi ng ekonomiya
Kaya suportahan pagdating ng sakuna at problema
Hiram na ani yung iba para kumita ng pera
At sa mata ng gobyerno sila'y itsapwera
'Di sapat ang tula para ikwento ang buhay ng magsasaka
Sa mga taong walang suporta at 'di kayo kinikilala
Hindi ko naranasan ang maging magsasaka
Pero kaya kong gawing kanta mga ginagawa nila
Gamit ang lapis at papel, kayo ang tema at beat
Kaya makabuo ng kantang tagos sa puso at Bakit
hinahangaan at pinagmamalaki kayo sa buong mundo?
Dahil sa sipag at tiyaga, pasensya at ito pa masasabi ko
Sa lahat ng magsasaka kahit mahirap ay kinakaya
Saludo po ako sa inyo para sa akin sikat ka na
YAJ 4d
🌿 BULONG NG DAHON
✍️ Jason Ramos

Sa mundong puno ng kulang, sapat, at sobra,
tayo raw ay mga dahon β€”
sumisibol, lumalago, nalalanta,
kumakalas, tinatangay, nawawala.

Ngunit sa ating pagkawala,
doon raw natin tunay natatagpuan ang sarili.
Sapagkat sa bawat pagkalagas β€”
ay simula ng panibagong pag-ugat.

At kung ako nga ay isang dahon,
ako ’yung uri ng dahon na...

β€” hindi basta bumibitaw, kahit taglagas,
β€” sumasayaw pa rin sa hangin, kahit lumakas.

Sinasalo ang patak ng ulan,
at sa araw, nakikipagtitigan.
Ako’y lilim rin sa liwanag ng buwan,
aninong masisilungan kapag kailangan.

Ngunit marahang kumakawala,
kapag ang baha’y rumaragasa β€”
upang magpatangay sa agos,
habang nakalutang sa hangin.
Minsan lunod sa alon,
ngunit di salungat sa lalim.
Ako’y dahon na may sariling landas β€”
kahit malihis, o maligaw sa tatahakin.

Ikaw ba β€”
🌱 Anong klaseng dahon ka sa panahon mo?
β€˜Yung madaling kumawala,
o ’yung pilit na kumakapit?
β€˜Yung natatangay,
o ’yung naglalakbay?

Basta ako β€”
ako ang kapirasong dahong ligaw,
karugtong ng bawat hibla ng ugat,
tinatahi ang tagpi-tagping mga balat.

Sumisibol, lumalago, nalalanta,
kumakalas, tinatangay,
at nagtataka:

Na kung tayo'y mga dahon sa iisang puno β€”
maaari kayang malaman kung:
β€” Sino ang pasimuno?
β€” Sino ang nagtanim ng binhi?
β€” Ano ang bunga?
β€” Kailan at bakit kailangan anihin?

Pero...

Kailangan ba talagang
hukayin pa ang lalim ng ugat β€”
o mas nararapat
na magpalago na lang muna sa sanga,
bago pa tuluyang matuyo ang mga tangkay?

Baka ang tunay na saysay β€”
hindi lang nasusukat sa bunga o pakay,
kundi nasa halaga rin ng ating paglalakbay
at pagkabuhay.


"β€”π’·π“Šπ“π‘œπ“ƒπ‘” 𝓃𝑔 π’Ήπ’Άπ’½π‘œπ“ƒ,
𝓃𝑔 𝒹𝒢𝓂𝒹𝒢𝓂𝒾𝓃𝑔
𝒽𝒾𝓃𝒹𝒾 𝓂𝒢𝓅𝒢-𝒢𝓂𝒾𝓃,
π“ˆπ’Άπ“…π’Άπ‘”π“€π’Άπ“‰ 𝓅𝒢𝓁𝒢𝑔𝒾𝓃𝑔
𝒽𝒾𝓃𝒾𝒽𝒾𝓅𝒢𝓃 𝓃𝑔 𝒽𝒢𝓃𝑔𝒾𝓃..."


At marahil,
ang tugon sa lahat ng tanong β€”
ay hindi sa paghahanap,
kundi sa pananahimik,
kasama ng agos,
ang ihip,
at malumanay na huni
ng mga ibon sa paligid.
(𝘽π™ͺπ™‘π™€π™£π™œ 𝙉𝙖 π˜Ώπ™žπ™£π™žπ™œβ€”
π™†π™–π™žπ™‘π™–π™£π™œπ™–π™£ π™‡π™–π™£π™œ π™‹π™–π™ π™žπ™£π™œπ™œπ™–π™£ π™ˆπ™ͺπ™‘π™ž)

— The End —