Sa mga mata ng makata, iisang paraluman lamang ang itinatala Na sa bawat linya, ika niya, may kariktang natatangi’t mahiwaga At sa bawat saknong tila nagsusumbong ang dalisay na hango’t may pasalubong.
Marahil sa mga mata ng isang makata, duyog ng mga sariling nagkaugnay ang naaaninag Sa mga tala at sa kaniyang iniirog, mga katagang hindi pambibilog, ay payapa sa pag-asang walang pahimakas at kailanma’y sasamuing wala nang bukas.
Hanggang sa huling hinga ng makata, iisang paraluman pa rin ang itatala Ang tanging pamamaraan ng wakas Ay linyang mag-iiwan ng mga rosas, tinik sa mahigpit na pagbigkis ng dalawang labing naghihinagpis.