Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
7h
Hindi ako ang taong hinahanap mo, at siguro, hindi rin ikaw ang taong akala ko noon na kailangan ko.

Oo, nagbago ako— at alam kong iyon ang hindi mo matanggap. Pero kailan ba naging kasalanan ang pagbabago? Bakit kailangang may masisi? Bakit kailangang isa sa atin ang may sala?

Ang "tayo" noon ay tila isang kwento na sinimulan natin nang may galak, ngunit natapos nang walang malinaw na wakas. At kahit gusto **** isipin na isa lamang itong kwento ng paglimot, alam **** hindi lang iyon ang nangyari.

Alam **** may mga sandali na kahit magkasama tayo, ang isip ko ay lumulutang, naghahanap ng ibang daan, ibang kapiling. At alam **** kahit anong sakit ang maramdaman mo ngayon, walang balikan, walang paliwanag na sapat para burahin ang katotohanang iyon.

Kung ang paglayo ko ang naging dahilan ng pagguho mo, hindi ko na iyon mababawi. Pero huwag **** isipin na ginawa ko ito upang sirain ka. Dahil hindi ko kailanman hinangad ang bumitaw sa bagay na minsan kong pinahalagahan.

Pero minsan, ang isang tao ay hindi talaga itinadhana upang manatili. At minsan, ang pagmamahal ay hindi sapat upang hindi hanapin ang iba.

Hindi kita pinagkaisahan, hindi kita ginamit, hindi kita iniwan nang walang dahilan. Nagbago ako, nagbago rin ang nararamdaman ko. At hindi kita ginawang laruan— pero hindi ko rin kayang ipilit ang isang bagay na nawala na.

Ikaw ang naglingon pabalik, habang ako naman, tuluyan nang lumakad palayo. Hindi dahil gusto kong makalimutan, kundi dahil alam kong wala nang dapat pang balikan.

Hindi ko na hihilingin na intindihin mo ako. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong magpaliwanag pa sa iyo, dahil sa dulo, hindi naman kailangang lahat ng bagay ay may paliwanag.

Matagal ko nang alam ang nararamdaman mo, matagal ko nang alam ang hinanakit na hindi mo kayang bitawan. Pero kung ako ang nagpasyang lumayo, ikaw rin naman ang matagal nang hindi nagawang manatili.

Kung ang huli nating usapan ay isang paghuhusga, isang pagsisi, isang hanapan ng dahilan— siguro, ito na ang huling sagot ko sa iyo.

Hindi ko na kailangang lumingon pa. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa kung paano ako nakahanap ng iba, kung paano ako tuluyang nawala kahit sa harapan mo pa lang.

Wala na rin naman kahit na balikan, wala na ang tamis nung ika’y nahagkan, at sa huling paalam, naintindihan na sa ating dalawa, may ibang nakalaan.

Wala na tayong “tayo.” At kung iyon ang katotohanan, matagal ko nang natanggap iyon.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangang lumingon pa. Paalam.
Eindeinne Moon
Written by
Eindeinne Moon  25/F/Wonderland
(25/F/Wonderland)   
32
 
Please log in to view and add comments on poems