Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Oh bukang-liwayway, sadyang napakaganda **** pagmasdan,
Nagbibigay ka ng angking kapayapaan
Sa aking pusong lubhang nawasak ng nakaraan.

Nag bigay ka muli ng liwanag sa aking kasalukuyan,
At naging gabay sa aking pagsisimula at katatagan.
Manatili nawa ang iyong kaliwanagan
Sa buhay kong puno ng walang kasiguraduhan.

— The End —